Hindi ako nagseselos sapagkat hindi kita mahal. Mahirap kontrolin ang
nararamdaman, alam ko naming wala kang gagawin na taliwas sa kunsensya
mo. Pinaniniwalaan kita.Pinagkakatiwalaan kita. Pero bakit ganun, anu’t anu pa man ang pilit
kong pananalig, hindi maiwasang mabagabag ang damdamin ko. Sabi nga ng
kaibigan ko, ang ex ay hindi madaling makalimutan, hindi madaling
masanay na wala ang ex sa piling, na kung minsan ay hinahana[-hanap
parin. Ang kaibigan ko ay isang ex kaya may alam siya. Marahil dun
nag-uugat ang agam agam ko, sa pag-iisip na isang araw may posibilidad
paring magkabalikan kayo, na isang araw ay masawa ka na sa akin. Isa
iyon sa kinakatakot kong mangyari. Pag ang araw na iyon ay dumating,
mas nanaisin ko pang sabihin mong ganun nga ang nagyari kesa naman
magkasabay kami at maranasan ko ulit ang mga bagay na ayoko nang
maranasan ulit. Masakit talagang maging ikalawang prioridad. Alam kong
hindi mo sinasadya pero minsan parang ganun parin. Mas angat ang ex sa
akin. Minsanan na kayong nagkaroon ng malalim na minsan, na ang malalim
na iyon ay magaganap palang sa hinaharap natin (kung papalarin nga). Na
hindi maiwasang maikumpara ako at ang ex. Na hindi maiwasang
magbalik-tanaw habang ako ang kasama. Iba ako, iba siya. At dahil nga
nauna ang ex sa akin, siya ang nagiging batayan mo. Na ang tangi kong
tungkulin ay tumugon, bumagsak o pumasa sa batayang iyon. Alam kong
hindi madaling iwan ang nakaraan, hindi ko naman hinihingi yun sa iyo
ng agaran. Yun nga yung mahirap, na maiksi lamang ang pagitan ng mga
pangyayari, na pilit mong tinatakpan ang sugat ng benda habang ang mas
mabisang paraan ay pahanginin muna ito. Mas ninanais ko pang marinig
ang mga tungkol sa una mo kesa sa ex, dahil alam kong sa ex ay hindi pa
hilom ang sugat, na may natitira paring dumadaloy na dugo.
Naiintindihan ko naman pero mahirap lang talagang magparaya. Hindi ko
pinoproblema na isang araw ay gagawa ka ng kalokohan. Pinoproblema ko
ang parati kong pag-iisaip. Na sa tuwing kayo’y makikita, iniisip ko
ang bawat bagay na napagkkwentuhan nyo, bawat pagpapalitan ng sulyap,
bawat damdamin na hindi maiwasang mapigilan, bawat pagmumuni at
kaisipang isinasaloob sa sarili, bawat pagkakataong hindi sinasadyang
maipadama na mahal niyo parin ang isa’t isa. Hindi ko alam kung may
dahilan ba itong nararamdaman ko. Pero sadyang hindi ko mapigilan.
Nagseselos ako.